kung manliligaw ka

Kung wala kang pera sa panahong ito, may magmmahal kaya sa iyo lalo na kung ikaw ay lalake. Sa tingin mo ba may makakapansin sa tunay mong ugali? Maaramdaman ba nila ang iyong pagiging sinsero at pagiging mabuting tao? O sa simpleng tanong na lang daanin ang lahat, may lakas ka pa ba ng luob manligaw kung walang pera?

Ang mga sinasabi ko ay hindi lang sa panliligaw o kaya mga pandate sa mga babae kundi ang magiging future mo sa relasyon. Maraming tanong ang babalot sa ganitong situation dahil ito ay hindi lamang pambatang isyu.

Ang tanong ko sa iyo MAY PERA KA BA?

Masakit aminin kung totoo pero wala ka namang problema kung mayaman ka at nakapag-aralan pa sa mga eklusibong colegio. Masaklap kung pinanganak ka na mahirap at nag-aral ka pa sa public skul na bulok na mabaho pa. Ano pa ba maipagmamalaki mo dun? Hindi ka na in, tinaboy ka pa. Makakapanligaw ka pa nun?
Tinamaan ka ba? O natuwa dahil hindi ka mahirap?
Magpasalamat ka kung mayaman ka kasi hindi ka lang makakapanligaw, marami ka pang babaeng mabibiktima. Enjoy diba? Swuerte na heaven pa. Kahit hindi ka guapo at saksakan ka pa ng kasinungalingan, magmumukha kang guapo at parang totoo ang lahat ng sinasabi mo.

Ganun ang buhay. Magkasala man ang isang mayaman sa isang babae o sa isang karelasyon madaling mapatawad o kaya ay maabisuhan o mabobola. Eh kung mahirap ka lang pano na ang relasyon? Hindi ka na mapapatawad, malalait ka pa ng mga kaibigan ng babaeng minahal moat pinakitaan mo ng tunay na pagmamahal. Masaklap pa nito baka mismong karelasyon mo ang manlalait sayo.

Masuerte na lang ang mga lalakeng masasagot ng mga babeng magaganda dahil kumbaga ang mga ganung babae ay ‘rare’ na lalo iyong magaganda. Mapupunta kasi sila sa mga mayayaman. Madalas nga eh dun sa mga matatanda pa pumapatol. Palibhasa mayaman, ‘age’ doesn’t matter na, may pera naman eh. Minsan nga kahit may pamilya’t anak na iyong lalake eh papatol pa. sasabihin na lang ng mga babae na mahal nila yung pera este ung lalake at tunay na pagmamahal iyon at hindi nila alintana o hindi nila inaalala kung may anak na iyong lalake.
Hindi ko naman sinasabi na ganun ang mga babae. Unconsciously na ganun. Iyong magaganda lalo. Sabagay magiging praktikal naman sila ngayon dahil sa hirap ng buhay di ba? Kaya iyon nagsihanapan na sila ng mga mapapangasawang mayaman. Iyong iba nga sa mga foreigner sila pumapatol. Iyong nandun sa mga opisina, boss ang tinitira. Ganyan talaga ang buhay. Aminin na natin. Tutuo naman eh.
Iyong mga natatamaan na lalake dito sa mga sinasabi ko eh may pag-asa pa naman kaya huwag mag-alala. Kung matalino ka at may bukal na puso. Huwag mong gagamitin pareho. Iyong talino at utak na ang paganahin. Pero dapat may tiyaga ka sa sasabihin ko. Sa ngayon ay magsikap ka magtrabaho hanggang sa makaipon ka ng pera at umangat sa buhay at malay mo maging mayaman ka. Hindi ba sabi ko sayo ay magmumukha kang pogi at bata kahit sa totoo ay hindi kung mayaman ka? Alam mo na ang ibig sabihin ko dun. Madami ka mabibiktimang babae or may magseryoso sa iyo sa wakas sa pag-ibig. Siguro ay gamitin mo muna ang iyong utak at kapag nakakuha ka na ng pinapangarap mo na babae ay ayun na umpisa sa pagbabalik sa mabuti.
Sa mg mayayaman naman ngayon, mambabae na kayo hanggat may pera pa. hindi sigurado ang buhay tandaan ninyo. Naku malay mo hindi mo na magawa pa ang mga ginagawa mo na dapat ngayon. Huwag kang mag-alala kung hindi ka mabuting tao. Madali namang magmukhang mabait lalo na kung napakamayan mo. Ilibre mo mga babae. Yung pera eh wala lang say o pero ang dating eh mayaman ka. Masasabihan ka pa na tunay na kaibigan kasi madadamayan ka pa hindi ba? Magtiyaga ka lang ng kunti sa pagiging mabait. Tiyak iyon mahuhulog ang luob nila sayo. Pramis. Tapos kunwari humble ka at mahina din ang luob mo. Dadamayan ka nila din. Tapos ayon kapag naramdaman ka na tunay na kaibigan kahit hindi puwede mo na silang ligawan. Huwag kang mag-alala ang pagtitiyaga ay aabuin lang ng isang lingo. Matagal na ang sampung araw. Basta ba gamitin mo ang iyong pera para makakuha ng babae. Magmumukha kang deserving kahit hindi sa babae. Mabait na, mayaman pa. maganda din siguro kung mayaman ka magpaenhance ka ng iyong mukha, buhok at katawan. Para magmukhang kumpleto ang features mo hindi ba?
Madami na ngayong babae na nagsisiksikan sa isang lalake kahit na alam na ito ay isang babaero at hindi na lang magsettle sa mas deserving pa sa kanila. Sa showbiz marami diyan at lalo na din sa politika o yung mga politico. Duon kasi ang mga hinahanap ng mga babae, ang pera. Napansin niyo ba? At napansin niyo ba na hindi kayo kapansin pansin kung wala kayong pera? Okay pa kung sikat kayo, mejo malakas pa pag-asa niyo.
Totoong walang unconditional love ngayon. Sabi nga ng iba na only God delivers unconditional love. Puro conditional na lahat ng bagay pati na din ang pagpili ng makakrelasyon mo sa buhay. Totoong kelangan nating maging praktikal. Ang pagiging praktikal ay ang pagkakaruong ng condition sa buhay.
Hindi na nila kasalanan ang magmukhang pera dahil nga gusto nilang maging praktikal at dapat lang na magset sila ng condition. May mga sacrifices din naman silang ginagawa. Kung gusto nila talagang yumaman o maging maginhawa eh kahit matandang gurang na madami ng kulubot ay willing silang makasama sila sa kama at magpagamit. Sakripisyo din ang maging sex symbol ng mga lalake. At sakripisyo din naman ang hiwalayan sila at masaktan dahil iniwan sila para sa ibang babae.
Madaming sakripisyong ginagawa ang mga babae ngayon kaya huwag ka nang magpursige na ligawan pa sila dahil mababasted ka nila dahil wala kang pera. Magsakripisyo ka din at magtiagang mag-antay ng panahon. Magpakayaman ka muna bago ka magkarelasyon dahil may papatol din sayo na maganda at batang bata pa.

~ by garenista on September 10, 2008.

3 Responses to “kung manliligaw ka”

  1. very true as in. unconsciously malandi or hanap lang ay pera mga babae ngaun

  2. i think not all the girls are like that, maybe jan lang sa environment you. depende kasi yan sa environment na nilakihan mo, sabagay laking maynila ka kaya ganyan an tingin mo sa knila. i’m not reach naman nor poor, pero masasabi ko na hindi lahat. don’t over generalized ok? that is your opinion na hindi dapat basehan ng lahat tama? ok po thanks for letting me to share my reactions.

  3. another one, hindi lahat ng babae habol ay pera, let us say that there is no unconditional love but not all conditional love requires money ryt? bakit yan lang ba ang dapat na kondisyon na sabihin.

Leave a Reply