artista sa politika
hindi na bagong issue ang pagkakaruon ng artista sa politika. matagal na nakabaon sa ating kultura iyan. naluluklok sila sa puwesto dahil sikat sila. ang pagiging sikat ay isa sa aspetong dapat ikonsidera ng bawat taong nangangarap sa politika. sa mga artista, nasa kanila na ang kasikatang kailangan nila. hindi nila na kailangan pang gumastos ng husto para magpasikat. sila pa ang nababayaran dahil sikat sila.
sa panahong ngayon sinisisi natin o nagsasabi ang mga tao ng masama sa mga politikong artista sa ating bansa. bakit ganoon? hindi ba ang tao din ang naghalal sa kanila? eh bakit ngayon sinisisi natin sila dahil sa pagkainutil sa politika at pamamalakad sa gobyerno? sino ba ang nagkamali? mga tao bang bumoto o ang mga artistang politiko?
sa aking opinyon, walang masamang tumakbo ang mga artista sa ano mang posisyon sa gobyerno. karapatan niya iyon at hindi dapat ipagkait. hindi dapat natin kinukutya ang mga artistang nangangarap na tayo ay paglingkuran. hindi naman lahat ng artista ay bobo. at wala para sakin na may bobong artista. wala naman sigurong artista na hindi rasyunal dahil nakapasok sila sa industriya na kailangan ng rasyunal na pag-iisip.
kung sila ay naging walang silbi para sa gobyerno maari natin silang sisihin pero huwag naman sagaran ang pagsisisi. tao ang naghalal sa kanila at ang malaking sisi din diyan ay ang tao. kung hindi ka naman bumoto ng artista, hindi ka pa rin lusot sa gusot ng mga taong bumoto sa kanila. isa kang parte ng mga botante, bumoto ka man para sa artistang politiko o hindi.
ngayon ay huwag na natin sisihin ang mga politikong artista sa pagkakamali nilang ginawa at sa wala silang nagawa sa gobyerno natin. hindi pa naman huli ang lahat para baguhin ang nasa luob ng gobyerno. may susunod pa na eleksyon. maari na nating baguhin ang mga pagkakamali sa paglagay ng basehan kung sino ang ating ihahalal na politiko. kung sa tingin niyo ay iboboto pa din natin o hindi ay kayo ang makakasagot duon.
may sari sairli tayong basehan sa mga bagay bagay ukol sa politika at gobyerno. pero sa tingin ko ay dapat na nating taasan na ito at huwag hayaang muli na mailuklok ang maling tao sa politika, mapaartista man o hindi.
teka lang pala. bakit nga ba artista lang ang sinisisi natin? eh dahil sikat kasi sila at artista sila ang napapansin at natsitsismis. hindi ba yung ibang politiko ay walang ginagawa? tama di ba? hindi niyo ba napapansin yun? wala kayong kwenta kung hindi niyo napapansin iyon. pero sa tingin ko pansin niyo iyon pero mas nakatutuok lang ang usisero ninyong mukha, kritiko ninyong tenga at tsimoso ninyon bingi sa mga artista. mas pansin sila dahil sikat sila hindi lang sa lugar na pinaglilingkuran nila pati na din sa bung bansa.
hindi lahat ng artista na naluklok sa puwesto ay hindi nakapaglingkod ng tama sa gobyerno. meron din naman ung mga artistang ehemplo sa politika at dapat tuluran hindi lamang sa mga artistang politiko kundi sa lahat ng nangangarap sa politika. maaring tama sa pagpili ang mga tao sa artistang iyon dahil tama ang pamantayan nila sa pagpili.
uulitin ko. huwag din nating sisihin ang mga artistang hindi nagkapaglingkod ng maayos sa gobyerno sa panahong sila ay nasa puwesto. tayo din ay nagkamali. at kung tayo ay nagkamali hindi na dapat natin itong ulitin. huwag na nating muling ihalal ang mga taong iyon at bumoto sa iba. kung sa una ay sumugal tayo at natalo sa kanila. ngayon ay iba naman dapat ang iboto.
ngayon ay dapat ay natuto na tayo at alam na natin kung ano ang dapat. kung nagkamali dapat itama. nagkamali man tayo nuon ay dapat isautak at isapuso ang mga natutunan sa pagkakamaling iyon.
para sakin, hindi masama ang bumoto sa mga artistang nangangarap na tayo ay paglingkuran. iboto natin sila kung sila ay karapat dapat sa puwestong pinapangarap nila.

dpat college graudate ang mga tatakbo with masteral pa sana
[...] – bookmarked by 5 members originally found by prashantag on 2008-08-09 artista sa politika http://garenista.wordpress.com/2008/07/05/artista-sa-politika/ – bookmarked by 5 members [...]
Bookmarks about Politika said this on August 27, 2008 at 4:15 am
i agree..it is their right as citizens to run during elections. yes they are indeed rational..i don’t believe na di nila pinag- isipan muna ang pagtakbo… wag na tayong magsisihan sa mga bagay na nagyayari sa paligid natin..i know, you know, we know kung ano ang mali, so why not start changing..wag na tayong magsisihan dahil lalong walang mangyayari satin.simulan natin sa sarili natin ang pagbabago and for sure, may kalalabasan yang maganda..
to aftermath, i don’t think yan ang solusyon sa problema.. mas lalo maeexclude ang underrepresented at marginalized sector ng society…magbigay ka muna ng proof na ang elites ang syang magbabago sa ating lipunan. kasi i think, maraming elite na pulitiko nakaupo noon til now pero just the same, wala pa ring pagbababgo.. much better na balance ang lahat..
educate the people first, strengthen our political and electoral system…and you start changing…
Go for gold Filipinos!!